Ang Aming Tropa
Kami ang BSED-2 ng Kolehiyo ng San Luis. Nanggaling sa iba't-ibang paaralan, iba iba ang mga major, ngunit nagsama sama para sa iisang mithiin, upang maging isang kagalang kagalng na guro balang araw. Iisang pamilya na mararamdaman ang pagmamahalan para sa bawat isa na hindi ka pababayaan sa kung ano man ang tatahakin mong landas. Pagkakaibigan na minsan ay may mga hindi pinagkakaintindihan, ngunit sa huli ay nananaig ang pagmamahalan para sa bawat isa.
Ito yung mga taong kahit kailan hindi mawawala sayo. Sila yung mga taong alam ang kahinaan mo pero hindi nila gagawin ito para lang makalamang sayo.
Ang tunay na kaibigan yung mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil sa meron din silang kanikanilang buhay, mararamdaman mo sila sa oras na kailangan mo sila. Nakakatuwa yung mga kaibigan na biglang nagpaparamdam tila bang ang saya kasi hindi mo inaasahan na magiging ganun sila. Ang tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema kapag may problema ka.Sila ang payong na sasalo sa ulan ng problema. Ang bangka na masasakyan mo sa agos ng problema. Intindihin mo sila, para intindihin ka rin nila.
Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba 'yong kasama natin sa inoman kung tayo'y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutlong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. Syia ba ang isang tunay na kaibigan. Hindi di ba.
Ang isang kaibigan ay di papayag na ikaw ay malihis ng landas. Gagawin niya ang lahat para matuwid ang landas na iyong tinatahak. Hindi rin ito papayag na siya ang maging dahilan upang ikaw ay mapagalitan ng iyong magulang. Samakatuwin , ang isang tunay na kaibigan ay isang huwaran. ang isang bagay na pwedeng gawin na isang tunay na kaibigan para matawag na siya ay isang huwaran ay ang ipakikilala ka sa diyos.
Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?
Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento