Huwebes, Oktubre 1, 2015

Ang Aming Tropa



Ang Aming Tropa








                             Kami ang BSED-2 ng Kolehiyo ng San Luis. Nanggaling sa iba't-ibang paaralan, iba iba ang mga major, ngunit nagsama sama para sa iisang mithiin, upang maging isang kagalang kagalng na guro balang araw. Iisang pamilya na mararamdaman ang pagmamahalan para sa bawat isa na hindi ka pababayaan sa kung ano man ang tatahakin mong landas. Pagkakaibigan na minsan ay may mga hindi pinagkakaintindihan, ngunit sa huli ay nananaig ang pagmamahalan para sa bawat isa.






                  Ito yung mga taong kahit kailan hindi mawawala sayo. Sila yung mga taong alam ang kahinaan mo pero hindi nila gagawin ito para lang makalamang sayo.





                     Ang tunay na kaibigan yung mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil sa meron din silang kanikanilang buhay, mararamdaman mo sila sa oras na kailangan mo sila. Nakakatuwa yung mga kaibigan na biglang nagpaparamdam tila bang ang saya kasi hindi mo inaasahan na magiging ganun sila. Ang tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema kapag may problema ka.Sila ang payong na sasalo sa ulan ng problema. Ang bangka na masasakyan mo sa agos ng problema. Intindihin mo sila, para intindihin ka rin nila.





                               Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba 'yong kasama natin sa inoman kung tayo'y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutlong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. Syia ba ang isang tunay na kaibigan. Hindi di ba.





                               Ang isang kaibigan ay di papayag na ikaw ay malihis ng landas. Gagawin niya ang lahat para matuwid ang landas na iyong tinatahak. Hindi rin ito papayag na siya ang maging dahilan upang ikaw ay mapagalitan ng iyong magulang. Samakatuwin , ang isang tunay na kaibigan ay isang huwaran. ang isang bagay na pwedeng gawin na isang tunay na kaibigan para matawag na siya ay isang huwaran ay ang ipakikilala ka sa diyos.
Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?


Biyernes, Setyembre 18, 2015

Ang Aking Paaralan

ANG AKING PAARALAN 

       Ang buhay sa kolehiyo ay puno ng hamon na dapat nating harapin. Ang pag-aaral sa kolehiyo ay pinapangarap ng maraming kabataan ngayon. Ito man ay puno ng mga hamon marami parin ang sumusubok, dahil dito ay malalagpasan rin at magiging matagumpay ang kinabukasan para sa ikakabuti ng ating buhay.At ika'y magiging matagumpay kapag ang napili mong eskwelahan ay Maayos, malinis, "Christ-Centered", Excellent Learning at may kumpletong facilities.



 

    Pinapakita dito ang Main building ng eskwelahan at may mga klasrum sa loob niyan. Pinapakita din dito  ang "Grandstand" ng paaralan na kung saan pwede kang tumambay, magpractice, maglaro at kumain.






       Iyong makikita ang "Entrance" o pasukan at "Exit" o labasan ng mga estudyante, teachers at mga bisita.




     Ito ang "Hallway" ng eskwelahan. Kapag umuulan o kaya nama'y maaraw, maaari kang dumaan dito para hindi ka maulanan at ma-initan.





    Ito naman ang tinatawag namin "Verbist Building". Dinerive ito sa pangalan ni Fr. Theophile Verbist.May mga silid-aralan din dito.





      Ito ang "Chapel" ng paaralan. Dito ginaganap ang mga Departmental Mass ng mga iba't-ibang departmento. Maaari ka ring puimunta dito sa anumang oras,






      Ito ang iyong makikita o view sa loob ng Chapel.







CHAPEL






CHAPEL




    Dito, iyong makikita ang "Volleyball Court" para sa babae at lalaki.Dito ginaganap ang training at P.E. ng mga mag-aaral.



      Ito ang isa sa mga gustong tambayan ng mga estudyante. Ito ang "School Canteen" ng paaralan.Masasarap ang mga pagkain dito kaya pag ika'y tumambay dito, siguraduhin mong marami kang badyet.




   Makikita natin dito ang "SH Building". Ito ang building ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong HRM o Hotel and Restaurant Management.








  HALLWAY





HALLWAY



   Ito naman ang tinatawag na "Peace Garden" ng paaralan. Dito, maaari ka ring tumambay, gumawa ng assignment atbp. Matatagpuan ito sa harapan ng School Library.




   Ito ang  "School Library". Ito ay "Fully Air Conditioned" kaya maraming estudyante ang pumupunta dito sapagka't malamig sa loob.Hindi lang mga libro ang mayroon sa library kundi meron ding mga 'kompyuter' na kung saan pwede kang mag search.




     

Ito ang front view ng school library.   













Gerard De Boeck Mission Library

Martes, Setyembre 15, 2015

LECHE FLAN WITH FEELINGS

Una, kailangan mo ng condensed milk, isang cup ng evaporated milk, at isang cup ng asukal. Ang pangit naman kasi kung itlog agad ang hanap mo sa una palang. Syempre dapat sa una pasweet muna para hindi ka halata. Tapos, pwede mo nang isunod. ang mga itlog. Kahit ilan gusto mo tutal sanay ka naman sa maramihan dahil malandi ka. Gamit ang steamer, painitin mo hanggang umalsa. Pag napa-alsa na, kahit wag mo nang palamigin. Kainin mo na agad tutal atat na atat ka namang babae ka! Mag-enjoy ka sa Leche Flan mong Leche Ka!